^

PSN Palaro

Lady Agilas susukatan ang lady tamaraws: Lady Eagles papasukin ang quarters vs Blazers

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngyaon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. FEU vs Davao Agilas

4 p.m. St. Benilde vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Makikita ang lakas ng Davao Lady Agilas habang puwesto sa quarterfinals ang aasamin ng UAAP champion Ateneo Lady Eagles sa pagbabalik ng laro sa Shakey’s V-League Season 11 First Confe­rence ngayong ginugunita ang Linggo ng Pagkabuhay.

Isang linggo napahinga ang ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bilang paggunita sa Semana Santa at tiyak na uhaw ang mga manlalarong sasabak na ipakita ang kalidad para maihatid ang mga koponan sa panalo sa The Arena sa San Juan City.

Magbubukas ng kampanya ang Lady Agilas sa ganap na alas-2 laban sa FEU bago sundan ng Lady Eagles kontra sa St. Benilde Lady Blazers dakong alas-4 ng hapon.

May 2-1 karta ang Ateneo at kung padapain ang Lady Blazers ay magiging ikatlong koponan sila sa Group A na nakatiyak ng puwesto sa quarterfinals sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil.

Ang Arellano (4-1) at Adamson (3-1) ay parehong may puwesto na sa susunod na round.

Lalaban nang husto ang Lady Blazers para patingkarin ang habol na slot sa quarterfinals kung mapag-ibayo ang kasalukuyang baraha na 1-1.

Sina Alyssa Valdez, Amy Ahomiro at Michelle Morente ang magdadala ng laban ng Ateneo kontra kina Therese Veronas, Jeanette Panaga at Maureen Loren ng Lady Blazers.

Kombinasyon ng mga manlalaro mula iba’t ibang paaralan sa Davao City ang Lady Agilas na pinalakas sa paghugot kina Cherry Ann Balse at Ana Veronica Conception bilang mga guest players.

Ang laro laban sa Lady Tamaraws ay una sa limang sunod na laban sa Group B at kailangan nilang maipanalo ang tatlo sa mga nito para umabante sa quarterfinals.

Kailangang kondisyon agad ang mga manlalaro ng Agilas dahil ang Lady Tamaraws ay magtatangka sa kanilang ikalawang dikit na panalo at ikatlo sa limang laro upang ipuwesto na ang sarili sa quarterfinals.

Tanging ang nagde­de­pensang kampeong National University Lady Bulldogs pa lamang ang pasok sa Group B sa 4-0 karta habang nakausad na ang isang paa ng UST Tigresses sa 2-1 karta.

AMY AHOMIRO

ANA VERONICA CONCEPTION

ATENEO

GROUP B

LADY

LADY AGILAS

LADY BLAZERS

LADY TAMARAWS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with