MANILA, Philippines - Nakabalik na sa bansa ngayong Biyernes si Filipino boxing icon Manny Pacquiao limang araw matapos niyang angkinin muli ang WBO welterweight title laban kay Timothy Bradley.
Dumating si Pacquiao sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Centennial Terminal sakay ng Philippine Airlines bandang 4:30 ng umaga.
Kasamang umuwi ng eight-division champion ang kanyang ina na si Dionisia at ang iba pang miyembro ng team Pacquiao.
Nagpasalamat ang boksingero sa suportang ipinaabot ng publiko sa muli nilang pagkikita ng noo'y wala pang talong si Bradley.
Napabuti ng Sarangani representative ang kanyang kartada sa 56-5-2 (38 KOs) win-loss-draw matapos makuha ang unanimous decision mula sa mga tatlong judges.
Kaagad din dumiretso si Pacquiao sa kanyang bahay sa General Santos City kung saan nag-aantay ang kanyang pamilya kabilang ang buntis na asawang si Jinkee.