MANILA, Philippines - Hindi dapat panghinaan ng loob ang mga mahihilig sa boxing na nais na makita sa ring sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Malabo pa sa ngayon na mangyari agad ito pero nakikita ni Ring Magazine editor-in-chief Michael Rosenthal na puwedeng maganap ito sa hinaharap.
Tinuran niya ang kaÂhaÂnga-hangang ipinakita ni Pacquiao noong tinalo sa rematch si dating WBO welterweight champion Timothy Bradley na nagpapatunay na taglay pa niya ang lakas at abilidad para talunin si Mayweather.
“Pacquiao’s performance on Saturday removed as doubt as to whether he is a viable opponent for Mayweather,†pahayag ni Rosenthal.
Sa kabilang banda, si Mayweather na sasampa ng ring sa Mayo 3 para harapin si Marcus Maidana para sa unification fight sa WBC at WBA welterweight belts, ay wala na ring mapipiling matikas na kalaban kungdi si Pacquiao.
Tiyak na gusto rin ni Mayweather na malagay sa kasaysayan ng boxing na bitbit ang taguri na may pinakamalaking kinita sa industriya at makakatulong kung mapirmahan ang labanan nila ng Pambansang kamao.
“His (Mayweather) fight against Marcos Maidana on May 3 will do OK from a business standpoint given Mayweather’s drawing power and Maidana’s popularity. However, Mayweather needs a more prominent opponent to do the kind of numbers he and his handles strive to achieve. Pacquiao-Mayweather would undoubÂtedly break all records,†paliwanag pa ng Ring editor.
Isa sa malaking balakid para agad na matuloy ang mega fight ay ang di pagkakasundo ng Top Rank na promoter ni Pacquiao at ng Golden Boy Promotion na may hawak kay Mayweather.
Nagkaroon pa ng baÂgong sigalot ang dalawa nang hilingin ni Bob Arum ang pag-boycott sa Mayweather-Maidana fight na siya namang ikinaiinis ngayon ng GBP.
Pero sa mga sinabing rason ni Rosenthal, tunay na hindi pa dapat isara ng tuluyan ang pintuan sa Pacquiao-Mayweather fight sa hinaharap.