MANILA, Philippines - Tatlong employee-athleÂtes ng Smart CommuÂnications, Inc. (Smart) ang kumuha ng Bataan Death March Ultramarathon grandslam matapos makumpleto ang 160-kilometer at 102-kilometer races sa first quarter ng taon.
Tinapos nina Senior training supervisor Carl Balagot, corporate wireless consultant Carlo Gonzalez at security officer Sandy Alentajan ang 160-km race mula sa Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac sa loob ng cut-off time na 30 oras at ang 102-km run buhat sa Mariveles, Bataan papunta sa San Fernando, Pampanga sa loob ng 18 oras.
Pareho ring kinumpleto nina Balagot at Alentajan ang 160-km Death March noong nakaraang taon.
Tinapos din nina Smart senior engineers Alfeus delos Santos at Arvin Arcilla, administrative assistant Marian Mera at senior supervisor Felipe Mascareñas ang 102-km race.