MANILA, Philippines - Nagising ang PNP ResÂpondents sa krusyal na bahagi ng laro para maikasa ang 75-61 panalo sa MMDA Black Wolves sa pagsisimula ng UNTV Cup Season II second round elimination noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Naghabol ang PNP sa kabuuan ng laro at nakatulong ang 23-6 bomba para masungkit ang ikalimang sunod na panalo sa liga.
Nakatulong pa sa PNP na pumangalawa sa Season 1, ang mala-lintang depensa para malimitahan ang Blackwolves sa siyam na puntos lamang sa huling yugto, lima sa huling anim na minuto ng bakbakan.
Si Julius Criste ang nagdala ng laban sa PNP sa kanyang 15 puntos, 3 assists at 2 rebounds para ipatikim sa MMDA, na lumamang sa 26-9, sa unang yugto, ang ikatlong pagkatalo sa limang laro.
Nangibabaw din ang Malacañang Patriots sa LGU Vanguards, 93-91, para umangat sa 4-1 karta.
Si Paul Anthony Yamamoto ay mayroong 17 punÂtos, 6 rebounds at 3 assists para sa nanalong koponan na ipinalasap sa Vanguards ang ikatlong pagkatalo laban sa dalawang panalo.