Pacers pinatahimik ang Thunder, balik sa itaas sa East
INDIANAPOLIS--Nagsalpak si David West ng tatlong free throws sa huÂling 15 segundo at itinala ni Stephenson ang kanyang league-leading na pang-limang triple-double para ihatid ang Indiana Pacers sa 102-97 panalo kontra sa Oklahoma City Thunder.
Kumolekta si West ng 21 points, habang naglista si Stephenson ng 17 points, 11 assists at 10 rebounds.
Binasag ni Stephenson ang franchise record ni Detlef Schrempf sa pagkakaroon ng pinakamaraming triple doubles sa isang season (apat noong 1992-93).
Ang panalo ang nagÂlapit muli sa Pacers sa pagsikwat sa No. 1 seed sa Eastern Conference.
Kailangan na lamang nilang manaig sa Orlando Magic sa Miyerkules at ipagdasal ang kabiguan ng Miami Heat sa Washington Wizards at Philadelphia 76ers.
Kumolekta si Paul George ng 20 points at 12 rebounds at nagtala naman si C.J. Watson ng season high 20 points para sa Pacers na hindi na masÂyadong kinailangan ang produksyon ni center Roy Hibbert, tumapos na may 6 rebounds at 0-for-9 fieldgoal shooting.
Kumamada si NBA scoring leader Kevin Durant ng 38 points kasunod ang 21 ni Russell Westbrook para sa Oklahoma City, nakabangon mula sa 10-point deficit sa huling pitong minuto ng fourth quarter.
Sa iba pang resulta, tinalo ng Toronto ang Detroit, 116-107; giniba ng Brooklyn ang Orlando, 97-88; dinaig ng New York ang Chicago, 100-89; nilusutan ng Portland ang Golden State, 119-117; tinakasan ng Sacramento ang Minnesota, 106-103; at giniba ng Memphies Grizzlies ang Los Angeles Lakers, 102-90.
- Latest