Elasto Painters kinaldag ang Express

MANILA, Philippines - Sa pagbabalik sa bench ni head coach Yeng Guiao ay isang panalo ang isinalubong sa kanya ng Elasto Painters.

Prinotektahan ng Rain or Shine ang kanilang double-digit lead sa fourth quarter para kunin ang 87-82 panalo kontra sa Air21 sa tsansang makaiwas sa last two spot sa quarterfinal round ng 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bilang pagpapakita ng kumpiyansa sa kanyang mga local players ay hindi na ginamit ni Guiao, nanggaling sa dalawang linggong business trip, si import Wayne Chism sa unang anim na minuto ng fourth quarter.

Ngunit nang ipasok ni Guiao si Chism ay naka­dikit ang Express sa 78-80 mula kina import Wesley Witherspoon at Eloy Poligrates sa huling 1:23 minuto.

Huling nakalapit ang Air21 sa 80-82 mula sa basket ni Poligrates sa natitirang 24.9 segundo kasunod ang limang free throws nina Paul Lee at Gabe Norwood para sa Rain or Shine.

“The locals kept us in the game for the most part when our import was not making his shots,” sabi ni Guiao kay Chism, tumapos na may 6 points, 9 rebounds, 2 steals at 2 shot blocks.

Pinamunuan ni Jervy Cruz ang Elasto Painters sa kanyang 13 points kasunod ang 12 ni Lee.

Samantala, kinuha ng Barangay Ginebra si one-time PBA Best Import Gabe Freeman bilang kapalit ni Josh Powell.

Rain or Shine 87 - Cruz 13, Lee 12, Nuyles 8, Rodriguez 8, Arana 7, Almazan 7, Tiu 7, Norwood 7, Chism 6, Chan 6, Belga 4, Tang 2, Teng 0.

Air21 82 - Witherspoon 23, Taulava 15, Poligrates 13, Anthony 9, Villanueva 9, Yeo 8, Cardona 4, Borboran 1, Ramos 0, Burtscher 0.

Quarterscores: 18-13; 43-33; 62-55; 87-82.

 

Show comments