Aces humirit sa Gin Kings ng panalo

MANILA, Philippines - Pinalakas ng nagdedepensang Alaska ang tsansa para sa ikalawang ‘twice-to-beat’ incentive matapos gibain ang Barangay Ginebra, 83-73, sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Aces para solohin ang ikatlong puwesto, habang bumagsak ang Gin Kings sa pang-pitong puwesto.

Matapos kunin ang first half bitbit ang 16-point lead,  40-24, ay hindi na bumitaw ang Alaska, nakahugot ng 22 points kay 2013 Best Import Rob Dozier.

Hindi nakaiskor si import Josh Powell para sa Ginebra matapos magkaroon ng injury sa first half.

Sa unang laro, natikman ng Globalport ang ka­nilang kauna-unahang panalo sa komperensya matapos lusutan ang kapwa sibak nang Barako Bull, 98-96, tampok ang krusyal na three-point shot at dalawang free throw ni Alex Cabagnot sa final canto.

“At least happy ending di ba? Last game ng conference nanalo, siyempre stepping stone na iyan para sa next conference,” sabi ni rookie coach Pido Jarencio.

Tumapos si Cabagnot na may 14 points, 9 assists at 4 steals, habang may 27 markers si balik-import Evan Brock at 21 si Mark Macapagal.

Nagposte ang Batang Pier ng  21-point lead, 67-46, sa third period bago nakatabla ang Energy Cola sa 93-93 buhat sa 3-pointer ni JC Intal sa dulo ng fourth quarter.

 

 

Show comments