^

PSN Palaro

Maigting ang aksyon sa Le Tour de Filipinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 10 continental teams, limang club teams at isang national team ang maglalaban-laban sa ikalimang edisyon ng Le Tour de Filipinas na gugulong na mula Abril 21 hanggang 24.

Handog ng Air21 sa pangunguna ng pangulong si Jerry Jara at katuwang sa pag-o-organisa ang UBE media, ang laban ng host country ay ipinagkatiwala sa continental team na 7-Eleven-Road Bike Philippines at club team na Philppine Navy-Standard Insurance na may ayuda ni Judes Echauz.

Sina 2012 LTDF champion Jonifer “Baler” Ravena at two-time tour titlist Mark Galedo ang magtutulong sa 7-Eleven habang ang dating two-time tour champion na si Santy Barnachea at beteranong si Lloyd Lu­cien Reynante ang magkaa­gapay sa Navy-Standard Insurance.

Ang pagsali ng mga da­yuhang koponan ang nagpapasaya kay PhilCycling chairman Bert Lina dahil magpapatuloy ang mahigpit na kompetisyon na makakatulong para humusay pa ang mga siklista ng bansa.

Ang iba pang continental teams na kasali sa apat na araw na karera na may ayuda pa ng Smart, NLEX, SCTEX, TPLEX, BCDA, Petron at Victory Liner, ay ang Asian Racing Team at Team Uyko ng Japan, KSPO Cycling Team ng Korea, PT Pegasus Cycling Team ng Indonesia, Terengganu Cycling Team ng Malaysia, CCN Cycling Team ng Brunei, OCBC Cycling Team ng Singapore, Polygon Sweet Nice ng Ireland at Tabriz Shahrdari Ranking ng Iran.

Kasali rin ang Atilla Cycling Club ng Mongolia, Satalyst Giant Racing Team ng Australia at Track Team Astana ng Kazakhstan habang ang United Arab Emirates ay magpapasok ng kanilang national team.

Ang karera ay magsisimula sa Abril 21 sa isang 160-km karera mula Clark hanggang Olongapo City habang ang Stage Two ay isang 170-km Olongapo hanggang Cabanatuan City. Ang Stage three ayisang 146.6-km karera mula Cabanatuan City hanggang Bayombong Nueva Viscaya habang ang huling Stage Four ay isang 134-km tagisan mula Bayombong hanggang Baguio City gamit ang Kayapa Road at Ambuklao.

ABRIL

ANG STAGE

ASIAN RACING TEAM

ATILLA CYCLING CLUB

BAGUIO CITY

BAYOMBONG NUEVA VISCAYA

CABANATUAN CITY

CYCLING TEAM

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with