PBA bibigyan ng pagkakataon ang 3 expansion teams na magpalakas

MANILA, Philippines - Matapos tanggapin ang kanilang mga aplikasyon ay bibigyan naman ang mga bagong expansion teams na NLEX, Blackwater Sports at Team Kia ng pagkakataong palakasin ang kanilang mga magi­ging koponan sa 40th season ng PBA.

Sa regular meeting ng PBA Board sa Abril 24 ay tatalakayin nito kung paano bibigyan ng tsansa ang NLEX, Blackwater Sports at Team Kia na makapagbuo ng malakas na lineup.

Nauna nang nagdesis­yon ang PBA Board na makakakuha ang tatlong expansion teams ng kanilang mga players mula sa expansion draft kung saan pakakawalan ng regular 10 ball clubs ang kanilang ika-15 at 16 pla­yers.

Ilalagay din sa expansion pool ang mga vete­ran free agents at unres­tricted rookie free agents na maaaring hugutin ng NLEX, Blackwater Sports at Team Kia.

Nang pumasok ang Rain or Shine sa liga noong 2006 ay pinayagan silang isama ang tatlo nilang pla­yers mula sa kanilang PBL team at nabigyan pa ng last pick sa first round ng rookie draft.

Show comments