MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang pag-inog ng NCAA sa mas mataas na lebel sa kanilang ika-90th taon.
Ito ang ginarantiya ni Jose Rizal UniÂversity president Dr. Vincent Fabella matapos opisyal na tanggapin ang hosting ng papasok na season sa turnover ceremony sa St. Benilde Hotel.
Ibinulalas pa ni Fabella na ang tema ng season na magbubukas sa Hunyo 28 ay ‘Heroes today, tomorrow’s legend: NCAA at 90; Making History’ upang ipakita ang kahandaan ng liga na higitan pa ang mga naabot na tagumpay sa mga nakaraang edisyon.
“The NCAA will continue to lead the way as the oldest organized sports league in the country. This year’s theme is an acknowledge to the past while moving forward and setting the pace to a new ground,†wika ni Fabella na tinanggap ang bandila ng NCAA kay outgoing Policy Board president Fr. Dennis Magbanua ng St. Benilde.
Tinuran niya na ang NCAA ay nakakatulong sa pagtuklas ng mga mahuhusay na manlalaro at layunin nila sa 90th season ang tiyakin na lalong tataas ang marka ng kanilang manlaÂlaro upang maisakatuparan ang hinahanap na maging legends ang mga ito sa kanilang sports sa hinaharap.
Si dating champion NCAA coach Arturo “Bai†Cristobal ang siyang niÂnombra para maupo bilang league commissioner at naniniwala si Fabella na magiging mahusay na commissioner ang dating national women’s team head coach dahil sa karanasan nang maupo bilang deputy ng Season 89 commissioner Joe Lipa.