MANILA, Philippines - Sinira ng South Gas Club Sports ng Iraq ang haÂngarin ng PLDT Home TVolution Power Pinoys na maabot agad ang puwesto sa quarterfinals sa Asian Men’s Club Volleyball Championship nang kunin ang 25-22, 25-19, 25-18, panalo kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang mga imports na sina 6’6 Aleksandaron AmaÂniev Metodi ng Bulgaria at 6’5 Baroti Arpad ng Hungaria ay hindi napigil ng deÂpensa ng home team matapos gumawa ng 15 at 12 puntos para ibigay sa koponang tumapos sa ika-siyam na puwesto sa huling edisyon ang unang panalo sa Group A.
Si Metodi ay may 13 kills habang si Arpad ay may 9 kills at tatlong service aces para tulungan ang Iraq na hawakan ang 35-31 kalamangan sa spike at 9-2 bentahe sa serve departments.
May 10 kills tungo sa 11 puntos si Alnakran Abadilla pero siya lamang ang nasa double digit sa hanay ng Power Pinoys na nalaglag sa 1-1 karta.
Ang Australian spiker na si Cedric Legrand ay nalimitahan sa pitong puntos matapos ang 18 sa panalo sa Mongolia, habang wala rin sa magandang kondisÂyon si William Lewis na may isang puntos lamang at naupo na lamang sa bench sa ikatlong set.
Nakasira rin sa laro ng Power Pinoys ang napakaraming service errors at natalo sa first at third set ang koponan dahil sa mga service errors nina Lewis at Legrand. Sa kabuuan, ang Power Pinoys ay mayroong 27 errors laban sa 22 ng banyagang koponan.
Sa pagkatalong ito, kailangang manalangin ang Pilipinas na matalo ng Iraq ang Mongolia bukas upang dumiretso na sa quarters.
Sakaling makapanggulat ang Mongolia, magkakaroon ng triple-tie sa 1-1 baraha at gagamitan ito ng tie-break para malaman kung sino ang dalawang koponan na aabante sa quarterfinals sa ligang inorÂganisa ng Sports Core na may suporta ng PLDT Home Fibr.