Laro Ngayon
(Meralco Gym, Ortigas Ave., Pasig City)
2 p.m Big Chill vs Cebuana
4 p.m. Cagayan Valley
vs Derulo Accelero
MANILA, Philippines - Mag-uunahan sa pagbangon matapos ang pagÂlasap ng unang kabiguan ang magaganap sa pagitan ng Big Chill SupercharÂgers at Cebuana Lhuillier Gems sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue, Pasig City.
Ang magwawagi sa larong itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon ang magsosolo sa ikalawang puwesto sa ligang nilahukan ng 10 koponan.
Dumapa ang Superchargers sa Blackwater Sports, 75-93, sa larong nakitaan ng ‘partial walkout’ ng tropa ni coach Robert Sison.
Dahil sa di magandang aksyon sa ikalawang yugto, ang Big Chill ay pinagmulta ng Commissioner’s Office ng P150,000.00.
Kinalimutan na ni Sison ang pangyayaring iyon at nakatuon sa paggiya sa panalo sa koponang pumaÂngalawa sa Aspirants’ Cup.
“Maigsi ang conference kaya ang bawat panalong makukuha ay mahalaga. Kailangan lang na maging consistent kami,†wika ni Sison.
Nais ni Sison na makaÂkuha pa rin ng solidong laro sa mga big men na sina Rodney Brondial, Jeckster Apinan at Dexter Maiquez ngunit dapat din na matutukan ng depensa ang mahuhusay na guard ng Gems na balak na bumaÂngon matapos ang unang pagkatalo sa kamay ng Cagayan Valley Rising Suns, 67-70.
Ikalawang sunod na panalo ang balak kunin ng Rising Suns sa pagbangga sa Derulo Accelero Oilers sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.
Aasa ang Rising Suns na magpapatuloy ang magandang shooting nina Ed Daquiog at Jett Vidal para maitabla ng koponan ang baraha matapos ang apat na laro. (AT)