^

PSN Palaro

Asian Men’s Club Volleyball C’SHIP Power Pinoys kailangang pumukpok vs Iraq

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal na okupahan ang puwesto sa quarterfinals ang balak gawin ng PLDT Home TVolution Power Pinoys sa pag­ha­rap sa malakas na South Gas Club Sports ng Iraq sa pagpapatuloy ngayon ng Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ganap na alas-12 ng tanghali magaganap ang laro sa Group A at pilit na sasakyan ng Power Pinoys ang naiposteng 25-13, 25-23, 25-16, straight sets panalo sa Mongolia noong Martes.

Ang mangungunang dalawang koponan sa apat na grupo matapos ang single round robin ang siyang aabante sa knockout round.

Kung palarin pa ang Power Pinoys ay sila ang lalabas bilang number one team sa grupo na mayroon lamang tatlong koponan na naglalaban.

Di hamak na mas mala­kas ang Iraq sa Mongolia dahil tumapos ito sa ika-si­yam na puwesto noong 2013 edisyon kaya’t kailangang mas tumikas pa ang laro na maipapakita ng host team.

“Kulang pa sa bilis, kailangang i-push pa sila na bilisan ang laro dahil kulang tayo sa height,” pahayag ni coach Francis Vicente.

Tiyak na aasa uli ang koponan sa  husay ni Australian spiker Cedric Legrand pero makakatulong sa hanap na malaking pa­nalo ng Power Pinoys kung masusustini ang ma­gandang ipinakita ng mga locals.

Sina Alnakran Abdilla at Peter Torres ang mga kuminang sa hanay ng mga locals sa unang laro nang maghatid ang dalawa ng pinagsamang 17 puntos.

Mahalaga rin ang ipakikita ng isa pang Aussie import  na si William Lewis dahil sa kanya nagsisimula ang opensa ng koponan bilang kanilang setter.

Samantala, naipamalas ng nagdedepensang kampeon Iran ang kahandaan na maidepensa pa ang titulo sa pamamagitan ng 25-18, 21-25, 25-13, 25-22, panalo sa Japan.

Si Iranian national player Mousavi Seyed ay may 11 kills tungo sa 13 puntos upang bigyan ang Matin Varamin ng 12-1 bentahe sa departamento tungo sa unang panalo sa Group B.

Pakay ng Iran ang maitala ang ika-10 titulo sa ligang may basbas ng Asian Volleyball Fede­ration at inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation (PVF).

May ayuda rin ito ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor Spurway, STI, PSC, Makati Mayor Junjun Binay, Pasay City Ma­yor Antonino Calixto at MMDA Chairman lawyer Francis Tolentino. (AT)

ANTONINO CALIXTO

ASIAN MEN

ASIAN VOLLEYBALL FEDE

CEDRIC LEGRAND

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

FRANCIS TOLENTINO

FRANCIS VICENTE

POWER PINOYS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with