MANILA, Philippines - Masaya si Freddie Roach sa nangyaring traiÂning camp na ginawa nila ni Manny Pacquiao para sa pagtutuos nila uli ni WBO welterweight champion Timothy Bradley.
Lahat ng aspeto na dapat gawin ay ginawa nila ni Pacquiao para mas maging handa at tumibay ang hanap na kumbinsidong panalo kay Bradley.
Pero hindi masasabing 100 percent na masaya si Roach dahil muling luÂmalabas ang problemang matagal na niyang inaaÂngal sa tuwing malapit na ang laban ng Pambansang kÂamao.
Sa panayam kay Roach ni Chris Mannix ng Sports Illustrated, inilabas ni Roach ang pagkabanas sa mga pastor na umaaligid kay Pacquiao at kahit sa panahong nagpapahinga na si Pacman ay binubulabog pa para umano dasalan.
“I think the biggest problem right now is these pastors keep coming around at odd hours to have him (Pacquiao) pray,†ani Roach.
Hindi niya maintindihan bakit itong mga pastor na ito ay tila hindi nakakaintindi na kailangan din ni Pacquiao ang magpahinga para maÂbawi ang nawalang laÂkas at matiyak na nasa pinakamagandang pangaÂngatawan ito sa Sabado (Linggo sa Pilipinas).
“When he is sleeping, you have to leave him alone. I do. I wait hours for the guy if he is sleeping. If he is sleeping, he must need it,†ani pa ni Roach.
Matatandaan na may inaniban ng bagong relihiyon si Pacquiao at kahit ang kanyang ina na si Aling Dionisia ay hindi pumayag.
Pero hinayaan na lamang ni Aling Dionisia ang kagustuhan ng kanyang anak at nakakasama pa nga siya sa mga prayer meeting na dinaluhan ni Pacquiao habang nasa US.
Wala rin balak si Roach na pigilan ang mga ito kahit banas sa kanilang pang-aabala.
“I’m not happy with those guys so much, but that is his choice. I am not going to go babysit,†banat ni Roach.