MANILA, Philippines - Sinandalan ng Hog’s Breath Cafe Razorbacks ang10-3 pagtatapos upang wakasan ang tatlong sunod na kabiguan sa 99-95 panalo sa overtime sa Boracay Rum Waves sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco Gym.
Ang 3-pointer ni Joseph Terso ang siyang tumapos sa mahalagang run na nagbangon sa Razorbacks mula sa 87-90 iskor.
Nagpasikat ang bagong NLEX Road Warriors player na si Bobby Ray Parks matapos maghatid ng 15 puntos, sa four-of-nine shooting, tungo sa 88-67 dominasyon sa Cafe France Bakers sa unang laro.
May dalawang tres sa laro ang 6’4 na si Parks at nakipagtulungan siya sa iba pang shooters ng NLEX na sina Ronald Pascual (23), Garvo Lanete (15) at Kevin Alas (11) tungo sa pagÂhablot ng ikaapat na sunod na panalo ng koÂponan.
Hindi nakasama ng mulÂti-titled team ang kaÂnilang coach na si Boyet Fernandez at mga San Beda players na nasa Lithuania para sa pagsasanay.
Bumaba ang Bakers sa 2-2 para makasama ang Waves para pagsaluhan ang ikalima at ikaanim na puwesto sa standings.
Samantala, pinagmulta ni PBA Commissioner Chito Salud ng P150,000.00 ang Big Chill dahil sa partial walkout na ginawa sa laro laban sa Blackwater Sports noong Lunes sa JCSGO Gym.
Pinagpaliwanag muna ni Salud sina SupercharÂgers coach Robert Sison at team manager Paul Lee kahapon ng umaga bago ibinaba ang desisyon.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng walkout sa PBA D-League at dahil wala pang opisyal na nakatala bilang kaparusahan sa ganitong aksyon sa liga kaya’t minabuti ni Salud na pagmultahin na lamang ng nasabing haÂlaga ang Big Chill. (ATan)