^

PSN Palaro

Big Chill pinagmulta ng p150k, Razorbacks lusot sa Waves sa OT; Road Warriors sinagasaan ang Bakers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Hog’s Breath Cafe Razorbacks ang10-3 pagtatapos upang wakasan ang tatlong sunod na kabiguan sa 99-95 panalo sa overtime sa Boracay Rum Waves sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco Gym.

Ang 3-pointer ni Joseph Terso ang siyang tumapos sa mahalagang run na nagbangon sa Razorbacks mula sa 87-90 iskor.

Nagpasikat ang bagong NLEX Road Warriors player na si Bobby Ray Parks matapos maghatid ng 15 puntos, sa four-of-nine shooting, tungo sa 88-67 dominasyon sa Cafe France Bakers sa unang laro.

May dalawang tres sa laro ang 6’4 na si Parks at nakipagtulungan siya sa iba pang shooters ng NLEX na sina Ronald Pascual (23), Garvo Lanete (15) at Kevin Alas (11) tungo sa pag­hablot ng ikaapat na sunod na panalo ng ko­ponan.

Hindi nakasama ng mul­ti-titled team ang ka­nilang coach na si Boyet Fernandez at mga San Beda players na nasa Lithuania para sa pagsasanay.

Bumaba ang Bakers sa 2-2 para makasama ang Waves para pagsaluhan ang ikalima at ikaanim na puwesto sa standings. 

Samantala, pinagmulta ni PBA Commissioner Chito Salud ng P150,000.00 ang Big Chill dahil sa partial walkout na ginawa sa laro laban sa Blackwater Sports noong Lunes sa JCSGO Gym.

Pinagpaliwanag muna ni Salud sina Superchar­gers coach Robert Sison at team manager Paul Lee kahapon ng umaga bago ibinaba ang desisyon.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng walkout sa PBA D-League at dahil wala pang opisyal na nakatala bilang kaparusahan sa ganitong aksyon sa liga kaya’t minabuti ni Salud na pagmultahin na lamang ng nasabing ha­laga ang Big Chill. (ATan)

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BOBBY RAY PARKS

BORACAY RUM WAVES

BOYET FERNANDEZ

BREATH CAFE RAZORBACKS

CAFE FRANCE BAKERS

COMMISSIONER CHITO SALUD

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with