MANILA, Philippines - Ang pagkakaroon ng mga bagong sports na paglalabanan ang siyang magdaragdag interes sa Palarong Pambansa na gagawin mula Mayo 4 hanggang 10 sa Laguna Sports Complex.
Sa pagdalo kahapon ni DepEd assistant secretery Tonisito Umali sa PSA Forum sa Shakey’s Malate, kanyang sinabi na may mga events na bawas ang bilang ng partisipasyon habang hindi rin makapagpapadala ng kumpletong rehiyon ang Region VIII dahil bumabangon pa sila sa epekto ng super typhoon Yolanda.
“Hindi ko pa batid ang opisyal na nagpatala pero may posibilidad na may mga regions na hindi sasali sa boxing. Ang Tacloban din ay hindi makakapagpadala ng buong puÂwersa dahil sa nangyari na bagyo,†wika ni Umali.
Pero naniniwala siya na matatabunan ang negatibong bagay na ito ng pagpasok ng bagong laro na wushu, billiards at futsal na mga demonstration sports.
Ang National Capital Region pa rin ang siyang napapaboran na manalo sa overall championship sa elementary at seconÂdary level pero nakikita rin ni Umali na hindi magpapatalo agad ang ibang rehiyon na unti-unti na rin ang paglakas kung palakasan ang pag-uusapan. (ATan)