Orcollo, de Luna, Ignacio magkasalo

MANILA, Philippines - Tinalo nina Jeff de Luna, Dennis Orcollo at giant-killer Jeff Ignacio ang kanilang mga kalaban para pamunuan ang Battle of the Kings 10-Ball Challenge sa King of Sports sa Quezon City.

Pinayukod ni  de Luna si world No. 3 Carlo Biado, 11-7, para ilista ang kanyang 2 points at makasama ang dating world champion na si Orcollo at Ignacio sa liderato sa torneong nag-aalok ng winner-take-all prize na P100,000.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng 30-anyos na si dfe Luna kay Biado makaraang kunin ang 11-9 tagumpay sa Game One ng kanilang three-game one-on-one matchup.

Winalis naman ni Orcollo si dating world titlist Ronnie Alcano, 11-6 at 11-5, para sa kanyang two-point output.

Umagaw ng eksena si Ignacio matapos gibain si legendary Francisco “Django” Bustamante, 11-9 at 11-8, para sa kanyang 2 points.

Binigo naman ni multi-titled veteran Efren “Bata” Reyes si money game star Johann Ignacio, 11-7.

Nakatakda pang laba­nan ni Reyes si Ignacio sa Round 2 kagabi.

 

Show comments