^

PSN Palaro

Tierro, Gonzales nagpasiklab Pinoy Netters binokya ang Pakistan, 2-0

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi sinayang ni Pa­­trick John Tierro ang pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng pamunuan ng Philippine Davis Cup team nang kunin ang 7-5, 6-4, 6-4, panalo sa beteranong number one Pakistani pla­yer na si Aqeel Khan sa opening singles ng Asia/Oceania Zone Group II Davis Cup tie kahapon sa PCA Indoor Clay courts sa Paco, Manila.

Sa first set lamang masasabing nagkaproblema si Tierro pero ang sumunod na dalawang sets ay kinatampukan ng kanyang dominasyon para bigyan ang Pilipinas ng mahalagang 1-0 kalamangan sa best-of-five tie.

Hindi sinayang ni Fil-Am Ruben Gonzales ang momentum na naibigay ni Tierro matapos kalusin ang mas batang si Samir Iftikhar, 6-4, 6-3, 6-1, sa ikalawang laro.

Sa 2-0 kalamangan, kailangan na lamang na manalo ang host ng isa sa huling tatlong paglalabanan upang umabante sa Group II Finals sa Setyembre.

Natuwa si non-playing team captain ng Pilipinas Roland Kraut sa ipinamalas ni Tierro.

“Kahit si Johnny Arcilla ang pinaglaro namin ay may chance rin siya kay Aqeel. Pero si PJ ang binigyan namin ng pagkakataon kasi may confidence siya since last week sa Olivarez Cup,” wika ni Kraut.

“Natalo ako kay Aqeel noong 2009 pero five year ago na ito. This time, mas fit ako dahil lagi akong nage-ensayo at more matured ako. At sa last five Davis Cup ko ay lagi rin akong talo kaya masarap ang pakiramdam na nanalo rito at nakatulong sa team,” paliwanag ni Tierro na umabot sa semifinals sa Olivarez Cup.

Magkakaroon ng pagkakataon ang host country na tapusin ang tie ngayong hapon  sa doubles match.

Ibabandera ang Pilipinas nina Fil-Ams Gonzales at Treat Huey laban sa subok ng pares nina Khan at Aisam Qureshi.

Magwawakas ang tie sa Linggo sa reversed singles na katatampukan nina Gonzales at Khan at Tierro at Iftikhar.

“Iyon ang target natin (2-0) pero di ito expected. Bukas, bakbakan iyan dahil tatlong world class doubles players ang mapapanood natin.

 Ang magwawagi sa tie na ito ang makakalaban ng magwawagi sa pagitan ng Thailand at Kuwait para malaman kung sino ang aabante sa Group I sa 2015. (ATan)

AISAM QURESHI

AQEEL

AQEEL KHAN

DAVIS CUP

FIL-AM RUBEN GONZALES

FIL-AMS GONZALES

GROUP I

OLIVAREZ CUP

TIERRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with