MANILA, Philippines - Matapos kumamada sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament ay ipapakita naman ni Dindin Santiago ang kanyang talento sa Philippine Super Liga (PSL).
Hinirang ng Petron ang 6-foot-2 na si Santiago bilang top overall pick sa isinagawang PSL rookie draft kahapon sa NBA Café sa SM Aura.
“Gagawin ko ang best ko para manalo ang Blaze Spikers,†sambit ni Santiago sa kanyang unang pagÂsalang sa nasabing premier club tournament na magÂbuÂbukas sa Mayo 10 sa Philsports Arena sa Pasig City at itinataguyod ng Mikasa, Asics, Jinling Sports at Healthway Medical Services.
Inihatid ni Santiago ang Lady Bulldogs sa dalawang sunod na Final Four sa UAAP women’s volleyball.
Sinikwat naman ng expansion team na Air Asia si daÂting La Salle spiker Abigail Maraño bilang second overall pick, habang kinuha ng RC Cola si Iari Yongco ng La Salle-Dasmariñas at idinagdag ng Cagayan Valley si Janine Marciano ng San Beda.
Si Jem Ferrer ng Ateneo ang hinugot ng PLDT kasunod si Norie Diaz ng Perpetual para sa Cignal.
Isinama ng back-to-back champion na Phl Army, dadalhin ang Generika Drugs, sa kanilang kopoÂnan si Christine Agno ng Far Eastern University.
Kinuha rin ng Petron ang isa pang NU player na si Carmina Aganon sa second round kasunod si Mayette Zapanta ng Adamson sa third round.
Ibinilang ng Air Asia sina Wensh Tiu ng La Salle, May Macatuno ng Adamson at Arianna Angustia ng Emilio Aguinaldo College.
Si Jill Gustilo ng Adamson ay kinuha ng RC Cola bukod kina UP stalwarts Toni Faye Tan at Southlyn Ramos.
Hinugot ng Cagayan Valley si Charlene Gillego ng FEU, habang pinili ng PLDT si Rysabelle DevanaÂdera ng Baste at kinuha ng Cignal si Michiko Castaneda ng UP.
Idinagdag ng Generika-Army si Joyce Palad ng UP.