MANILA, Philippines - Gumana ang depensa ng NLEX Road Warriors tungo sa madaling 91-58 pagdurog sa Hog’s Breath Cafe Razorbacks at masolo ang liderato sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.
Ang 58 puntos ang piÂnaÂkamababang naibigay ng Road Warriors sa kanilang tatlong laro at ito ang ikalawang pinakaÂmababang puntos na naiskor sa liga matapos ang 54 na naitala ng Jumbo Plastic nang natalo sa Cebuana Lhuillier.
Si Ola Adeogun ay nagdomina sa unang quarter pa lamang nang ibuhos ang 11 sa kanyang 13 sa laro para sa 28-14 kalamangan.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng NLEX para solohin ang liderato habang ikatlong sunod na pagkatalo ang nalasap ng Razorbacks.
Bago ito ay tinapos ng Boracay Rum Waves ang dalawang dikit na pagpapanalo ng Cafe France Bakers sa 80-79 panalo.
Sina Chris Banchero at Mark Belo ang nagsanib sa huling apat na puntos ng Waves para maisulong sa 2-1 win-loss slate ang kanilang baraha. (AT)