Cavs binugbog ang Pacers, nakasilip ng tsansa sa playoff

Dumakdak si Paul Pierce ng  Brooklyn Nets laban sa Minnesota sa NBA.  

CLEVELAND--Umiskor si Dion Waiters ng 19 points at may 15 si Luol Deng para buhayin ang tsansa ng Cavaliers sa playoff mula sa 90-76 pa­nalo kontra sa In­dia­na Pacers, nawawala ang pag­hawak sa No. 1 seed sa East Conference.

Humakot naman si Trist­­an Thompson ng 16 re­bounds para wakasan ng Cavs ang nine-game lo­sing slump laban sa Pacers.

Tatlong laro ang agwat ng Cleveland sa Atlanta sa kanilang pag-unahan para sa final playoff spot.

Unti-unti namang hu­mu­hulagpos sa Pacers ang No. 1 berth matapos malasap ang kanilang pang-limang sunod na ka­­biguan sa labas ng Indiana at isang laro ang lamang sa Miami sa pagkakaroon ng top record at home-court advantage sa East.

Tumipa si Paul George ng 15 points kasunod ang 14 ni David West para sa Indiana, nilamangan ng Cleveland ng 21 points sa fourth quarter.

Sa New York, nagtala si Paul Pierce ng 22 points para ilapit ang Brooklyn Nets sa isang playoff spot matapos talunin ang Minnesota Timberwolves, 114-99, para sa kanilang ika-13 sunod na home victory.

Humugot si Pierce ng 16 markers sa first quarter, habang nagdagdag si Joe Johnson ng 19 points para sa Nets, maaaring makamit ang playoff spot kung matatalo ang New York Knicks sa Golden State Warriors sa Linggo.

Sa Oklahoma City, gumawa si Kevin Durant ng 31 points at 9 assists para igiya ang Oklahoma City Thunder sa 116-96 panalo laban sa Utah Jazz.

Sa Orlando, Florida, tumapos si Mar DeRozan ng 28 puntos at nagdagdag si Jonas Valanciunas ng 20 puntos at siyam na rebounds at natakasan ng  Toronto Raptors ang Magic, 98-93.

Sa iba pang laro, nanalo ang Los Angeles Lakers sa Phoenix Suns, 115-99; kinaldag ng Chicago Bulls ang Boston Celtics, 107-102.

 

Show comments