Coach Norman nagsagawa ng Bosch SKIL basketball clinic

MANILA, Philippines - Nagsagawa kamakailan si multi-titled Talk ‘N Text coach Norman Black ng Bosch SKIL’s basketball clinic sa Dumaguete City.

Si Black ang ‘goodwill ambassador’ ng Bosch power tools na sumusuporta rin sa adhikain niya na maipamahagi ang kaalaman sa mga batang nahihilig sa basketball.

“It has been my advocacy for 35 years to teach basketball and at the same time, be a positive role model for these kids,” pahayag ni Black.

Ilang taon na rin si Black bilang tagapag-endorso ng Bosch SKIL at kontento ang mga nasa likod ng nangu­ngunang power tools sa bansa sa magandang resulta ng kanilang tambalan.

“It has been a fruitful and productive partnership and we are looking forward to extend our partnership with coach Norman Black for two more years,” wika ni Bosch Marketing Supervisor Marie Faller.

Kapag walang ginagawa, mahilig din si Black sa car­pentry at ang gamit niya ay ang mga produkto ng Bosch kaya alam niya na de-kalidad ang mga kagamitan nila na bagay sa de-kalidad na pagtuturo niya sa mga kabataan.

 

Show comments