MANILA, Philippines - Kinumpleto ni KarunuÂday Singh ng India ang maÂgandang ipinakita sa 2014 Olivarez Cup-Philippine Futures nang kunin ang men’s singles title sa paÂmamagitan ng 6-4, 5-7, 6-3 panalo laban sa third seed na si Shuichi Sekiguchi ng Japan kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Tila humugot ang No. 8 seed na si Singh ng lakas mula sa mainit na klima para madomina ang pagod na pagod na si Sekiguchi sa ikatlong set patungo sa kanyang unang titulo matapos ang ikaapat na torneo na kung saan nasama siya sa main draw.
Ang panalo ay nagÂresulta para kunin din ni Singh ang gantimpalang $2,160.00 bukod pa sa maÂhalagang puntos para tumaas ang kanyang ranÂking na ngayon ay nasa 486 sa mundo.
Lumabas din ang 23-anyos na si Singh bilang doubles champion ng kompetisyong tinaguyod ni Philta president at PaÂrañaque Mayor Edwin OliÂvarez at sinahugan ng $15,000.00 premyo.
Nakipagtambalan si Singh kay Ivo Klec ng Slovak Republic para maÂnalo sa doubles event kontra sa top seeds na sina Fil-Am Ruben Gonzales at Thai netter Sonchat Ratiwatana.
Ito ang kauna-unahang Futures event sa Pilipinas matapos ang dalawang dekada.