MANILA, Philippines - Ito na ang panahon ko.
Ito ang deklarasyon ng walang talong WBO welterÂweight champion na si Timothy Bradley para tiyakin ang naÂpipintong panalo kay Manny Pacquiao sa rematch na gagawin sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
“Everybody has seen me grow in the last two years and they see how confident I am and my ability. A lot of people are definitely getting behind me right now and they feel that Pacquiao is declining and this is my time,†wika ni Bradley nang hinarap ang mga mamamahayag.
Walang siyang pagdududa na maipapakita niya sa lahat na tunay na siya ang nanalo noong unang hinarap si Pacquiao noong 2012.
Nauwi sa split decision ang labanan pabor kay Bradley pero marami ang naniwalang nabiktima si Pacman ng maÂsamang desisyon ng mga hurado.
Pinagdududahan din ng walang talong kampeon ang kakayahan ni Pacquiao na patulugin siya sa laban.
Tinuran niya ang nangyari noong 2012 na kung saan nanalo siya kahit napilay ang magkabilang sakong.
“In our fight, I had two wounded feet and he couldn’t take me out. What makes you think he can take me out with two good feet?†banat ni Bradley.
Muli rin niyang inihayag na ibang Manny Pacquiao na ang kanyang makakaharap dahil malambot na ito.
Binalikan din ni Bradley ang huling laban ng 8-division world champion kontra kay Brandon Rios na hindi niya napatulog kahit ilang beses niyang naipit ito sa ring.
“I think it was the last round of the Rios fight and he had Rios trapped in the corner and you saw Manny take his foot off the gas pedal and it was unbelievable to me,†pahayag pa nito.
Ginarantiya rin niya na nasa 110 percent ang kanyang kondisyon hindi lamang sa pisikal kungdi pati sa mental kaya’t dapat na ikondisyon din ni Pacquiao ang sarili para maging maganda ang kanilang labanan.