Pacquiao nasa magandang kundisyon na - Ramirez

  Si Jose Ramirez (kaliwa) ang bagong ka-spar ni Manny Pacquiao  na kinuha ni Freddie Roach bilang paghahanda kay Timothy Bradley. ( Chris Farina/Top Rank)

MANILA, Philippines - Dinagdagan pa ng 21-anyos at London Olympian Jose Ramirez ang mga pagpapatotoo na nasa magandang kondis-yon si Manny Pacquiao para sa magaganap na rematch nila ni WBO welterweight champion Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Si Ramirez ay bagong boxer na hawak ni trainer Freddie Roach at siya ay isinalang sa sparring session kay Pacquiao.

Hanga ang walang talo matapos ang walong laban, kasama ang anim na KOs, na si Ramirez sa galaw na ipinakita ni Pacquiao sa sparring na tumagal lamang ng apat na rounds sa Wildcard Gym.

“He’s a fighter who is very, very active in the ring. His footwork is amazing. He’s very explosive. He has speed moving forward,” wika ni Ramirez sa pa­na­yam ng ESPN.

Maging ang sinabi ni Roach na magiging aktibo si Pacquiao sa magaganap na laban ay sinuportahan ni Ramirez.

“Manny throws a lot of punches and he picked it up with me because I was  his last sparring partner of the day. He punches hard but even more than that he is pinpoint his shot,” dagdag nito.

Isinalang si Ramirez sa sparring dahil may laban ito sa Sabado na isang six-rounder.

Nagpasalamat siya sa pagkakataong nakaharap ang 8-division world champion na si Pacquiao dahil malaki ang maitutulong ng karanasan para gumaling siya sa ring.

Lalong pinatitindi ang pagsasanay ni Pacquiao upang maisakatuparan ang hanap na kumbinsidong panalo laban kay Bradley na noong 2012 ay nagawang itakas ang kontrobersyal na split decision na panalo.

Inulit ni Pacquiao ang ma­sidhing hangarin na ma­nalo sa isang press statement.

“I want the world title he won from me back around my waist. I want to prove I am the better fighter. Freddie Roach and Justin Fortune are asking more from me in this training camp than I have ever given before and I am giving them everything they have asked of me,” wika ni Pacquiao.

Higit sa personal na tagumpay, ang karangalan din na maibibigay sa Pilipinas ang isa sa mga  nagtutulak sa kanya para gawin ang lahat ng hirap sa ensayo.

“Too much is at stake for me and for my country. I want to end my career on a winning streak and against the best fighters,” pahayag pa ni Pacman.

Show comments