Bong dela Cruz head coach ng Tigers
MANILA, Philippines - Pormal na itinalaga kaÂhaÂpon ng UST si SegunÂdo “Bong†dela Cruz III bilang kapalit ni dating head coach Alfredo Jarencio na ngayon ay coach ng Globalport sa PBA.
Si Fr. Rector Herminio Dagohoy ang nagpalabas ng pagpili kay dela Cruz na isa rin sa mga assistant coaches noong nakaupo pa si Jarencio sa koponan.
Tinalo ni dela Cruz sa puwesto ang tulad niyang assistant coach at dating kamador ng Tigers na si 6’4 Ernesto Ballesteros na siyang nirekomenda ni Jarencio para sa iniwang puwesto.
Si Dela Cruz ay naglaro sa UST Cubs kasama sina 6’9 Marlou Aquino at 7’0 EJ Feihl. Pero ang mga ito ay lumipat ng Adamson sa kanilang senior year.
Wala na sa koponan para sa papasok na UAAP season ang kamador na si Jeric Teng pero malakas pa rin ang Tigers dahil babalik ang iba pang scorers na sina Kareem Abdul, Aljon Mariano at Kevin Ferrer.
Si Shaek Sheriff, Kim Lo at Kent Lao ang magtuÂtulong para sa guard spots na nilisan na ni Clark Bautista habang sina Ed Daquiaog, Jeepy Faundo, Louie Vigil at Jon Macasaet ang iba pang puwedeng sandalan ni dela Cruz.
- Latest