MANILA, Philippines - Anim na aces ang piÂnaÂÂkaÂwalan nina Fil-Am Ruben Gonzales at Thai Sonchat Ratiwatana para madaling maalpasan ang tambalan nina Ho Chih Jen at Hung Jui Chen, 6-3, 6-3, sa pagsisimula ng 2014 Olivarez Cup-Philippine F1 Futures doubles kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Hindi nakita ang pangaÂngapa sa laro nina Gonzales at Ratiwatana dahil ito ang unang pagkakataon na nagsama sila dahil isang double fault lamang ang kanilang nagawa at kumulekta pa ng apat na break points para katampuÂkan ang panalo.
Sina Gonzales at Ratiwatana na top seeds sa doubles, ay umabante sa quarterfinals at makakaharap ang mananalo kina Johnny Arcilla at Kyle JoÂshua Dandan ng Pilipinas kontra kina Adam Sanjurjo Hermida ng Spain at ShuiÂchi Sekiguchi ng Japan.
Ang magandang ipinaÂkita ni Gonzales ang naglagay ng kinang sa produktibong kampanya ng mga Philippne Davis Cuppers na naghahanda para sa laban kontra sa Pakistan sa PCA Indoor Courts mula Abril 4 hanggang 6.
Naunang kuminang sina Arcilla at Patrick John Tierro na tinalo ang mga nakalaban sa men’s singles.
Pinagod ni Arcilla si Ghayanon Kaewsuto ng Thailand na nagretiro sa third set para sa 4-6, 7-6 (4), 4-1 (ret) panalo habang si Tierro ay nanaig sa kababayang si Calvin Charles Canlas, 7-5, 6-2.
Abante ang dalawang netters sa round-of-16 at kalaban ni Arcilla si Andrew Whittington ng Australia na tinalo si Thien Nguyen Hoang ng Vietnam, 6-1, 6-4.
Katunggali ni Tierro si Hermida na ginulat si seven seed Ivo Minar ng Czech Republic, 7-6 (5), 6-4.
Hindi naman pinalad ang iba pang Filipino netters na sina Jeson Patrombon, Jurence Mendoza, Vincente Elberto Anasta at Fil-Italian Marc Reyes nang matalo sa mga dayuhan. (ATan)