TEAM STANDING W L
Talk N Text 6 0
San Miguel Beer 5 1
San Mig Coffee 3 1
Meralco 3 3
Air21 3 3
Rain or Shine 2 3
Alaska 2 3
Ginebra 2 4
Barako Bull 2 4
Globalport 0 6
Laro sa Marso 29
(Biñan, Laguna)
5 p.m. Alaska
vs San Migue Beer
MANILA, Philippines - Ito na ang sinasabing huling laro ni import Alex McLean para sa Elasto Painters.
Tumapos si McLean na may 23 points at 16 rebounds para tulungan ang Rain or Shine sa 96-79 panalo kontra sa Meralco at angkinin ang kanilang ikalawang panalo sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Tinapos ng Elasto Painters ang kanilang two-game losing skid, habang nabigo ang Bolts na makamit ang kanilang pangalawang sunod na panalo.
“We still consider ourselves in a hole and in a struggle,†sabi ni head coach Yeng Guiao.
Nagposte ang Rain or Shine ng 13-point lead, 44-31, sa second period mula sa three-point shot ni Jeff Chan patungo sa 68-53 pagbaon sa Meralco sa 3:34 ng third quarter.
Sa likod nina Gary David, Cliff Hodge at AJ Mandani ay nakalapit ang Bolts sa 79-83 agwat bago nagtuwang sina Chan, McLean at Ryan Araña para muling ilayo ang Elasto Painters sa 93-79 sa huling 46.3 segundo.
Nagdagdag si Chan ng 21 markers, habang may 16 si Paul Lee at 13 si Gabe Norwood.
Tumapos lamang si 6-foot-10 import Brian Butch na may 11 markers sa panig ng Meralco dahil sa kanyang lagnat.
Sa ikalawang laro, tinaÂkasan ng Air21 ang Barangay Ginebra, 97-95, sakabila ng nasayang na 13-point lead sa third quarter para makabawi sa kanilang dalawang sunod na pagkatalo.
Ang split ni import WesÂley Witherspoon sa natitirang 4.8 segundo ang sumelyo sa nasabing panalo ng Express kasabay ng pagpapalasap sa Gin Kings ng ikalawang dikit nitong kabiguan.
Rain or Shine 96 - McLean 23, Chan 21, Lee 16, Norwood 13, Belga 7, Cruz 6, Araña 2, Almazan 2, Tiu 2, Ibañes 2, Rodriguez 2, Tang 0, Nuyles 0, Teng 0.
Meralco 79 - David 20, Dillinger 14, Hodge 12, Butch 11, Hugnatan 7, Artadi 4, IldeÂfonso 2, Sena 2, Guevarra 2, Wilson 2, Mandani 2, Al-Hussaini 1, Caram 0, Salvacion 0.
Quarterscores: 23-17; 44-33; 72-60; 96-79.
Air21 97 - Witherspoon 25, Yeo 18, Cardona 15, Borboran 10, Ramos 10, Taulava 9, Villanueva 6, Burtscher 2, Atkins 2, Camson 0.
Ginebra 95 - Rodgers 18, Aguilar 15, Slaughter 12, Ellis 10, Helterbrand 10, Tenorio 9, Baracael 6, Reyes 6, Mamaril 4, Urbiztondo 3, Caguioa 2.
Quarterscores: 27-25, 57-48, 80-70, 97-95