MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga kritisismo na nawala na sa kanya ang ‘killer instict’, sinabi ni Manny Pacquiao na sabik na saÂbik na siyang labanang muli si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las VeÂgas, Nevada.
Sa isang training blog na inilabas ng HBO Sports, igiÂniit ni Pacquiao na hindi pa siya laos at kaya pa niyang magÂpabagsak ng kanyang kalaban.
“My motivation is the same now as it was when I starÂted my boxing career. I love the competition and I love to win,†sabi ni Pacquiao. “When that stops, so does my proÂfessional boxing career.â€
“But I don’t see that happening for a long time. Because I am facing Tim Bradley again, I am extra motivated for this fight,†dagdag pa ng Filipino world eight-division champion.
Tinalo ni Bradley si Pacquiao via split decision sa kaÂnilang unang paghaharap noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand kung saan inagaw sa kanya ng American ang suot niyang World Boxing Organization (WBO) welÂterweight crown.
Ang pagresbak kay Bradley at ang pagbawi sa kanyang WBO title ang nagsisilbing ‘motivation’ ni Pacquiao.
“I want the world title he won from me back around my waist. I want to prove I am the better fighter,†sabi ni Pacquiao.
Matapos matalo kay Bradley ay tumumba naman si Pacquiao kay Juan Manuel Maraquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8, 2012.
Nakabangon si Pacquiao mula sa naturang mga pagÂkatalo kina Bradley at Marquez noong 2012 nang bugÂbugin si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa loob ng 12 rounds sa kanilang non-title fight noong Nobyembre 24, 2013 sa Macau, China.
Matagumpay na naidepensa ni Bradley ang nasabing WBO belt laban kina Ruslan Provodnikov (unanimous decision) at Marquez (split decision) noong Marso at Oktubre ng 2013.
“No one has ever defeated Tim Bradley during his proÂfessional career. I want to be the first name in his loss coÂlumn. It will not be easy,†ani Pacquiao.