MANILA, Philippines - Naipakita ng Café FranÂce ang hinanap na magandang samahan para hiyain ang Derulo Accelero, 90-73, sa pagbubukas kahapon ng PBA D-League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.
Ang mga datihang sina Ebondo Rodrique ng KenÂya, Alvin Abundo at Mac Montilla ay may 18, 11 at 11 puntos habang ang baguhan pero beteranong si Rocky Acidre ay naghatid ng 13 para magkarooon ng magandang panimula ang Bakers.
“I thought we showed more chemistry than Derulo,†wika ni Café France coach Edgar Macaraya.
Si Michael Juico, na siyang leading scorer sa Aspirants’ Cup ay gumawa ng 20 puntos para sa Oilers na hindi nakumpleto ang malakas na panimula sa ikatlong yugto para matambakan sa labanan.
Nagpasabog ang Boracay Rum ng 27 puntos sa ikatlong yugto upang maisantabi ang malakas na first half ng Cagayan Valley para sa 79-69 panalo habang tinalo ng Cebuana Lhuilier ang Jumbo Plastic, 60-54, sa ikatlong laro.
May 22 puntos si Chris Banchero pero nakakuha ang Boracay ng pinagsamang 32 puntos kina Rudy Lingganay, Paolo Taha at Maclean Sabelina upang mabaligtad ng Waves ang 34-43 iskor sa halftime.
“We got off to a slow start. But our defense picked up in the second half and we got a lot of contribution from our reserves. I though that was the key,†pahayag ni Boracay Rum coach Lawrence Chongson.
May tatlong tres tungo sa siyam na puntos si Roider Cabrera habang ang baguhan si Prince Caperal ay naghatid ng tatlong puntos, dalawang rebounds, dalawang steals at isang assist.
Sinandalan naman ng Gems ang nakumpletong three-point play ni Riego Gamalinda para ilayo ang koponan sa 58-50, upang makasalo agad sa liderato sa 10-koponang liga.