MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang mga provincial teams na St. Louis University at Southwestern University sa paglista ng unang panalo sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 First ConfeÂrence sa The Arena san San Juan City.
Ang mananalo sa labaÂnang magsisimula sa ganap na alas-2 ng hapon ay makakasalo ng UAAP champion Ateneo sa lideÂrato sa Group A.
Tinalo ng Lady Eagles ang Adamson sa apat na sets sa pagbubukas ng liga noong Linggo.
Nasabayan pa ito ng paÂngingibabaw ng nagdeÂdepensang kampeon National University sa NCAA champion Perpetual Help sa straight sets para pamunuan ang Group B.
Ang San Sebastian at FEU ay magkikita dakong alas-4 at ang mananalo ang makakapantay sa Lady Bulldogs.
Ang Davao Lady Agilas ang ikatlong provincial team na kasali para magkaroon ng record na 12 teams ang ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s.
Kampeon ng BaÂguio-Benguet Educational AthletÂic League, ang Lady Navigators ay aasa sa daÂting BBEAL MVP na si Joan Lunday, katulong sina Colleen Rossi, Florence May Madulid, Roxanne Almonte at Maureen Agudia para magkaroon ng magandang panimula sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Akari.
Hindi naman basta-basta padadaig ang Lady Cobras at sina team captain Neresa Villanueva, Janelle Cabahug, Therese Rae Ramas, Frances KaÂren Derder at Lutgarda MaÂlaluan ang mga magtutulong para ipanalo ang CESAFI champion.