Fronda, Sambile co-Athlete of the Year sa UAAP

MANILA, Philippines - Hinirang sina chess se­n­sation Jan Jodilyn Fronda ng De La Salle University at Far Eastern University (FEU) women’s basketball star Camille Sambile bilang seniors co-Athlete of the Year sa UAAP Season 76’s closing ceremonies kagabi sa Century Park Hotel Grand Ballroom.

Kinilala naman si University of the East (UE) fencer Divine Romero bilang UAAP juniors  AOY.

Pumagitna rin ang Green Archers sa naturang two-hour festivities matapos tanghaling general champion ng seniors’ division sa ikalawang sunod na season.

Hindi lamang sa bansa nakamit nina Fronda at Sambile ang kanilang mga MVP trophies kundi ma­ging sa international competitions din.

Tumapos ang 20-anyos na si Fronda na ika-28 sa 2013 World Junior Chess Championship sa Kocaeli, Turkey at kumampanya rin sa ASEAN Age-Group championship sa Thailand.

Pinangunahan naman ni Fronda ang De La Salle sa ikaapat na sunod na wo­men’s chess championship at nakamit ang kanyang pangatlong dikit na MVP plum.

Bagamat nabigo ang Lady  Tams  na maidepensa ang kanilang women’s basketball crown, inangkin pa rin ni Sambile ang kanyang unang MVP award.

Si Sambile, isang Hotel and Restuarant Management senior, ay miyembro ng Perlas Pilipinas na kumuha ng silver medal sa 2013 SEAG women’s basketbal sa Myanmar.

Show comments