San Diego piniga ni Frayna

MANILA, Philippines - Tinalo ni WFM Janelle Mae Frayna ng Legaspi City si WFM Marie Antoinette San Diego ng Dasmariñas City sa Under-20 women’s open sa pagbubukas kahapon ng National Age Group Chess Cham-pionships Luzon elimination leg sa Activity Center ng SM City Naga.

Nakasama ni Frayna na isang second year BS Psychology mag-aaral ng FEU, ang mga kakampi sa Lady Tamaraws na sina Enrica Villa at Gladys Hazelle Romero bukod kay Lucelle Bermundo ng National University.

Nakasilo ng unang panalo sa U20 boys ay sina Marc Christian Nazario ng UP at sina Rafael Caneda at Jefferson Mansanero ng NU.

Si Naga City Mayor John G. Bongat ang nagbukas sa kompetisyon na inorganisa ng National Chess Federation Philippines (NCFP) sa pangu­nguna ni executive director GM Jayson Gonzales.

Ang mga magkakampeon sa anim na age groups sa boys at girls di­vi­sions ay uusad sa Natio­nal Finals sa kalagitnaan ng Abril.

Ang mga hihira­nging national champions ay ma­aaring ipadala sa ASEAN Age Group Championships sa Macau sa Hunyo.

Nakakuha ng isang puntos sa U18 sina Vince Angelo Medina, Kyz Llantada, Joshua Plotodo at Paul Robert Evangelista sa kalalakihan at sina Venice Vicente, Jenena Marie Regencia, Virgenie Ruaya at Jemima Valdez.  

 

Show comments