Pacquiao pinadugo ang ilong ng sparmate

Eight division champion Manny Pacquiao. File photo

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang ikalawang bahagi ng pagsasanay ni eight division champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles bilang paghahanda sa kanilang muling paghaharap ni Timothy Bradley sa Abril 12.

Ito ang unang pagkakataon na nakabalik si Pacquiao sa Amerika ngayong taon at natuwa ang Filipino boxing icon sa kanyang pag-eensayo.

“I like it. I love it. It's very private for me to train here and no other boxer except me and my sparring partners," wika ni Pacquiao sa ulat ni Steve Angeles ng ABS-CBN North America News Bureau.

Kaugnay na balita: Bradley masusorpresa kay Pacquiao - Roach

Sa ganda ng naging ensayo ni Pacquiao ay duguan ang ilong ng isa sa kanyang mga ka-sparring.

Tinamaan ng right straight ni Pacquiao ang ilong ng kanyang kaensayo dahilan upang dumugo ito sa lakas ng sundok ng Saranggani representative.

Nagsimulang maghanda si Pacquiao sa kanyang hometown na General Santos City kung saan nakasama niya rin ang multi-titled trainer niyang si Freddi Roach.

“Ganda naman. Ayos naman ‘yung first day dito sa America. Jet lag pa so adjust pa konti pero I’m getting there and the condition… And speed. So no problem,” wika ni Pacquiao.

Muling magbabanggaan sina Pacquiao at Bradley para sa WBO Welterweight title sa MGM Grand Las Vegas.

Show comments