^

PSN Palaro

Wushu artist sasabak sa World Championship

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong panlaban ng Pilipinas sa 2014 World Wushu Junior Championships sa Antalya, Turkey ang sinisipat na makakapasok sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China sa Agosto.

Tumulak na ang Pambansang delegasyon na kinabibilanganan ng 10 man­lalaro patungong Turkey para lumahok sa 2014 World Wushu Junior Championship na magbubukas bukas.

Ang mga isinama ay sina Aleison Ken Ome­ngan, Faith Liana Andaya, Agatha Chrystenzen Wong, Vanessa Jo Chan, Johnzeth Gajo, Joel Ca­sem, Zereena Redge Dum­­seng, Dave Degala, Hazel Angela Dalisay  at Christian Nicolas Lapitan.

Sa taolu (form) sasabak ang mga ito at sina Omengan at Andaya ng Baguio City ang siyang si­nasandalan para sa gintong medalya.

Si Omengan ay naghatid ng ginto at pilak noong 2012 habang pilak ang naiuwi ni Andaya sa huling edisyon.

Bukas ang kompetis­yon sa 18-anyos pababa, si Tansuitong Candelaria, pangulo ng WFP Baguio Chapter, ang siyang inilagay bilang team manager habang ang 1993 World Wushu Championship bronze medalist na si Bobby Co ang iniupong coach.

Ang dating world champion at Beijing Olympics wushu tournament gold medalist na si Willy Wang ay isa sa magiging hurado ng kompetisyon.

Sa unang edisyon ng kompetisyon noong 2006 nailista ng Pilipinas ang pinakamagandang pagtatapos matapos ang isang ginto, tatlong pilak at apat na bronze medals.

AGATHA CHRYSTENZEN WONG

ALEISON KEN OME

ANDAYA

BAGUIO CHAPTER

BAGUIO CITY

BEIJING OLYMPICS

BOBBY CO

CHRISTIAN NICOLAS LAPITAN

DAVE DEGALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with