Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Barako Bull
vs Air21
8 p.m. San Miguel Beer
vs Talk ‘N Text
MANILA, Philippines - Sinabi ni head coach Ryan Gregorio na walang problema sa kanilang import na si Brian Butch.
Ang kulang lamang ay ang produksyon ng mga local players.
Nakahugot ng double-double figures mula kina Reynel Hugnatan, Gary David at Cliff Hodge, tinalo ng Meralco ang nagdedepensang Alaska, 85-76, sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si Hugnatan ng 14 points, habang nag-ambag sina David at Hodge ng tig-12 markers para sa 1-1 record ng Bolts kasabay ng pagpapalasap sa Aces ng ikalawang kabiguan nito (1-2).
“We did a good job competing today despite our obvious lack of players,†sabi ni Gregorio sa mga may injury at sakit na sina Jared Dillinger at Mike Cortez. “We’re able to do the job because of defense.â€
Tumapos naman ang 6-foot-10 na si Butch, ang pinakamataas na import sa torneo, sa kanyang 27 points, 17 rebounds, 2 assists, 2 blocks at 2 steals.
Matapos kunin ng Meralco ang nine-point lead, 73-64, sa 7:25 ng fourth quarter ay nakalapit ang Alaska sa 72-78 agwat sa huling 3:23 minuto.
Nagsalpak si Butch ng isang free throw kasunod ang basket ni David at three-point shot ni guard Anjo Caram para muling ilayo ang Bolts sa 84-72 sa huling 2:02 sa labanan.
Pinamunuan ni JVee Casio ang Aces sa kanyang 19 points, tampok dito ang dalawang tres sa final canto, kasunod ang 17 ni 2013 Best Import Rob Dozier, 12 ni Cyrus Baguio at 10 ni Sonny Thoss.
Kasalukuyang naglalaban ang San Mig Coffee at Globalport habang sinusulat ang balitang ito.
Meralco 85 - Butch 27, Hugnatan 14, David 12, Hodge 12, Caram 7, Mandani 5, Ildefonso 4, Guevarra 2, Wilson 2, Al-Hussaini 0.
Alaska 76 - Casio 19, Dozier 17, Baguio 12, Thoss 10, Manuel 6, Jazul 4, Espinas 3, Reyes 2, Abueva 2, Dela Cruz 1, Hontiveros 0.
Quarterscores: 20-12; 37-33; 61-54; 85-76.