Ginebra, San Mig kontra Gilas Pilipinas
MANILA, Philippines – Karamihan ng mga lalahok sa 2015 PBA All Star Game ay mula sa All Filipino Cup conference finalists Ginebra Gin Kings at San Mig Coffee sa Abril 16 nilang bakbakan ng Gilas Pilipinas sa Mall of Asia Arena.
Pangungunahan ng top rookie na si Greg Slaughter ang Ginebra matapos makakuha ng 61,680 na boto.
Makakasama ni Slaughter, na umayaw sa pool squad ng men's national basketball team, ang kanyang mga tropang sina Chris Ellis at Mac Baracael na may 44,630 at 33,756 na boto.
Palalakasin pa nina Philippine Cup Finals MVP Mark Barroca (38,628) at two-time league MVP James Yap (38,620) ng San Mig Super Coffee ang PBA selection.
Ito na ang ika-11 sunod na All Star appearance ni Yap mula nang pumasok sa liga noong 2004.
Nakatabla ni Yap ang mga beteranong sina dating Purefoods superstar Jerry Codinera at Alaska gunner Dondon Hontiveros sa ikalawang may pinakamaraming nalaro sa all star.
Kabilang sa national squad ang 2013 FIBA Asia Championship runners-up na sina Jimmy Alapag, LA Tenorio, Jayson Castro, Larry Fonacier, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David, Ranidel Ocampo, Marc Pingris, Japeth Aguilar, Junemar Fajardo at naturalized player Marcus Douthit.
- Latest