^

PSN Palaro

Ateneo magpipilit makatabla sa serye, korona kukunin ng La Salle vs Ateneo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pagkakaroon ng ma­garbong selebrasyon sa La Salle ang nais gawin ng La­dy Archers sa pagharap sa karibal na Ateneo Lady Eagles sa UAAP women’s volleyball Finals ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Kinuha ang  25-14, 25-20, 19-25, 26-24 panalo no­ong Miyerkules, kaila­ngan na lamang ng Lady Archers na manalo para  ma­kumpleto ang kanilang ina­asam na ‘four-peat’ sa UAAP.

Alam ni La Salle head coach Ramil de Jesus na hindi magiging madali na ta­pusin ang laban dahil determinado ang Lady Eagles na makapuwersa ng ‘sudden death’.

“Kailangan ko rin na ta­patan ang gagawin ng Thai coach  nila. Kailangan talagang magpursigi at kapitan na ito,” pahayag ni De Jesus na hanap ang kanyang ika-siyam na titulo sa liga.

Ang mga beteranong si­na Ara Galang, Mika Reyes, Abi Maraño at Kim Fajardo ang mga huhugutan ni De Jesus ng lakas dahil bihasa na sila sa ganitong labanan.

Nananalig din siya na ga­gana ang serve game nila na sa huling labanan ay nagkaroon lamang ng apat na puntos.

Tiyak namang totodo sa paglalaro si Alyssa Valdez pa­ra magpatuloy ang laban ng Ateneo na makakuha ng titulo matapos ang magka­sunod na pangalawang pu­westong pagtatapos sa liga.

May 15 puntos si Valdez sa huling laban at alam niya na dapat pa niyang itaas ang kalidad ng paglalaro pa­ra magbigay pa ng inspirasyon sa mga kakampi.

Ang pagkaka-check kay Valdez ay nagresulta rin sa mahinang kontribusyon ni­na Jorella Marie De Jesus at Amy Ahomiro na tumapos lamang taglay ang tig-siyam na puntos.

Dapat ding mabawasan ang kanilang errors na sa hu­ling tagisan ay pumalo sa 38.

Ngunit ang mahalagang bagay sa posibleng ikakapa­nalo ng Lady Eagles ay ang kondisyon ng liberong si Dennise Michelle Lazaro.

Sasabak sa aksyon nga­yon si Lazaro pero dapat na gumaling ang kanyang left sprain ankle para pamu­nuan ang depensa ng koponan.

Nakita ang kahalagahan ni Lazaro sa huling laro dahil kinailangan siyang ilabas sa first set at hindi ibinalik sa se­­cond set kaya nakalayo kaagad ang La Salle. sa 2-0 bentahe kontra sa Ateneo (ATan)

ABI MARA

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ARA GALANG

ATENEO

DE JESUS

LA SALLE

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with