MANILA, Philippines - Nakamit na nina PATAÂFA national coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero ang hinahanap na ‘due proÂcess’ nang isinagawa kahapon ang imbestigasyon sa akusasyon na ibinato sa kanila ni PSC commissioner Jolly Gomez.
Sina POC chairman Tom Carrasco Jr., PSC board secretary at legal diÂvision head Atty. Yen Chan at badminton national coach Allan de Leon ang tinapik ni PSC chairman Ricardo Garcia para dinggin ang panig nina Sy at Hamero na inaÂlisan ng buwanang sahod na nasa P20,000 bunga ng akusasyon ni Gomez na hindi nila nagagampanan ang kanilang mga trabaho.
“Maganda naman ang nangyari at ang composition ng panel ay well represented. Pinagsalita nila kami base sa mga accusations sa amin,†wika ni Sy.
Ilang oras din ang inabot ng pagdinig at ang komite ay gagawa ng kanilang rekoÂmenÂdasyon sa problema at ipapasa sa PSC board na nakatakdang magpulong sa Miyerkules.
Inatasan ni Garcia ang imbestigasyon matapos magreklamo si PATAFA preÂsident Go Teng Kok na hindi nabigyan ng ‘due process’ ang kanyang mga coaches at agarang tinanggal sa talaan ng mga coaches na sumasahod sa PSC.
Naunang tiniyak ni Garcia na mga taong makakaÂintindi sa problema ang kanyang ilalagay para makapaglabas ang mga ito ng tamang rekomendasyon.
Sumilip din si Go bago isinagawa ang imbestigasÂyon at pasado sa kanya ang mga taong kinuha ni Garcia sa panel.
“I went to the PSC to see who are the people who will compose the panel. After that, I left because I don’t what to influence any of them. Happy ako sa nakita ko,†wika ni Go.
May kumpiyansa naman ang dalawang coaches na nasagot nila ng maayos ang akusasyon sa kanila para maabsuwelto sa reklamo.
“They may have judged us on what they hear or read but God will judge me based on what is in my heart. I believe that we will be vindicated,†dagdag pa ni Sy.