MANILA, Philippines - Naisahan ni John Chicano si Nikko Huelgas, habang dinomina ni 2012 London Olympian Radka Vodickova ang kanyang dibisyon sa isinagawang Tri United I kahapon sa DuÂngaree Beach sa Subic Bay.
Ginamit ni Chicano ang pagiging mas kondisyon kumpara sa laspag na si Huelgas upang maitala ang pinakamabilis na oras sa male elite sa standard distance na 2:01:14.
Mahigit dalawang miÂnuto kinapos si Huelgas (2:03:22) na kumarera sa ikatlong sunod na linggo.
Sapat naman ang lakas ng number one triathlete ng Pilipinas para itulak sa ikatlong puwesto si Augusto Benedicto (2:03:49).
Sina Huelgas at Chicano ang mga posibleng ipanÂlaban ng Pilipinas sa Asian Games sa Incheon, Korea.
Wala namang nakasaÂbay sa lady triathletes ng bansa sa husay ng Czech triathlete na si Vodickova na madaling ibinulsa ang titulo sa kababaihan sa 2:08:40 tiyempo.
Malayong pumangaÂlawa si Monica Torres sa 2:15:57 habang sina Anna Stroh at Ma. Claire Adorna ang magkasalo sa ikatlong puwesto sa 2:20:44 bilis.
Sina Chicano at VoÂdickova ay ginantimpalaan ng P10,000.00 dahil sa paÂngunguna sa karerang inorganisa ng Unilab Active Health at may ayuda pa ng Aboitiz, Subic Holiday Villas, AboitizPower, Orbea, Shimano, Crystal Clear, Maxxis, Pocari Sweat, TIMEX, Saucony at Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA) Tourism Department.