Chiang Kai, NU, Iloilo pasok na sa quarters
MANILA, Philippines - Winalis ng Seaoil Extreme 95-Chiang Kai Shek College, Seaoil Extreme Diesel-National University A at Smart-Iloilo ang kanilang Division I preliminary gaÂmes sa idinadaos na 2014 Seaoil NBTC League National High School Finals noong Biyernes .
Tinalo ng Chiang Kai Shek ang Seaoil Extreme 97-Hope Christian High School, 77-71, sa Ynares Sports Arena at ang Seaoil Extreme U-NU B, 75-71, sa Treston Gym para makumpleto ang sweep sa Group A.
Ang NU-A ay nanalo sa Maynilad Cavite, 87-70, para sa ikalawang sunod na panalo sa Group B habang ang Iloilo na kinatawan ng Hua Siong College ay nanaig sa Maynilad Cebu-University of San Carlos, 73-57, para sa 2-0 baraha sa Group C.
Dahil dito, ang tatlong koponan ay umusad na sa quarters sa ligang itinalaga ng SamaÂhang Basketbol ng Pilipinas (SBP) bilang kanilang opisyal na grassroots program at may ayuda ng MVP Sports Foundation, Meralco, Smart, NLEX, Maynilad, Philex, Molten at Philippine Star.
Ang quarterfinals at seÂmifinals sa Division 1 at 2 ay lalaruin ngayon sa Ynares Sports Arena, Meralco Gym at Xavier Gym habang ang finals ay gagawin bukas sa Ynares Sports Arena.
- Latest