Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. Ateneo vs La Salle
MANILA, Philippines - Agawan sa mahalaÂgang ikalawang panalo ang magaganap sa pagitan ng three-time defending champion La Salle at Ateneo sa pagpapatuloy ngayon ng UAAP women’s volleyball Finals sa Smart Araneta Coliseum.
Ang natatanging laro ay magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon at ang momentum ay nasa Lady Eagles matapos ang 17-25, 25-23, 25-13, 25-20, panalo noong nakaraang Miyerkules.
Tinapos ng panalong ito ang 30-sunod na tagumpay ng La Salle at inalis din ng Ateneo ang thrice-to-beat advantage ng Lady Archers.
“La Salle is better than us but I think we win,†wika ng Thai-Ateneo coach Tai Bundit.
Sa kabilang banda, matibay din ang paniniwala ni La Salle coach Ramil de Jesus na kayang bumaÂngon ng kanyang koponan matapos ang nangyaring kabiguan.
Tinuran ni De Jesus na nakaapekto sa La Salle ang mahabang pahinga dulot ng 14-game sweep habang ang Ateneo ay nakondisyon sa mahihirap na laban kontra sa Adamson at NU sa step-ladder semis.
“Ang nawala lamang naman sa amin ay ‘yung advantage. Ang kailangang gawin ay mag-double effort,†pahayag ni De Jesus.
Isa sa manlalarong nais na makita ni De Jesus na bumalik sa dating porma ay si Abigail Marano na nagtala lamang ng 10 puntos.
Kailangan din ng nagdedepensang kampeon na mabawasan ang kanilang errors na sa huling tagisan ay umabot sa 26 laban sa 22 lamang ng Ateneo.
Hahangarin ng mga panatiko ng Lady Eagles ang patuloy na pagkinang nina Michelle Kathereen Morente, Amy Ahomiro at Jorella Marie De Jesus.
Si Morente ang nanguÂna sa Lady Eagles sa kanyang 17 puntos habang sina Ahomiro at De Jesus ay may 16 at 12 puntos para may makatulong si AlyÂssa Valdez na tumapos bitbit ang 16 puntos, tampok ang 14 kills.
Susi rin ang ipakikita ni Dennise Michelle Lazaro na may mahalagang 22 digs sa huling laban. (ATan)