^

PSN Palaro

Assumption-Pampanga wagi sa Olongapo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumawa sina Rico Soliman at Allen Guilas ng 19 at 18 puntos para sa Assumption-Pampanga tungo sa 108-84 pagdurog sa Olongapo City National sa Division II sa pagbubukas kahapon ng 2014 Seaoil NBTC League National High School Finals sa CCF Gym.

May 20 puntos si Bernardino Tandayu para sa Olongapo sa torneo na siyang opisyal na grassroots development program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na suportado ng MVP Sports Foundation, Meralco, Smart, NLEX, Maynilad, Philex, Philippine Star at Molden.

Magpapatuloy ang ak­syon ngayon sa 19 na laro sa tatlong magkaka­ibang palaruan.

Sa Ynares Sports Arena gagawin ang aksyon sa Division I na kakikitaan ng tagisan ng National University-A at St. Francis of Assisi-Cavite sa ganap na alas-8 ng umaga.; Sou­thern City College-Zamboanga at Sacred Heart of Jesus Montessori-Cagayan de Oro dakong alas- 9:30  at University of San Carlos kontra Iloilo Central Commercial dakong alas-11.

Ang pang-hapon na laro ay sa pagitan ng St. Francis at Sacred Heart-Ateneo of Cebu sa ganap na ika-12:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Sacred Heart-CdO at Assumption-Davao; West Negros at San Carlos; at Assumption at Southern City.

 Ang mga laro sa Treston gym ay magsisimula sa alas-8:30 ng umaga sa pagitan ng San Benildo at Trinity University of Asia na susundan ng National U-B at Chiang Kai Shek College; Jubilee Christian Academy at San Benildo; National U-B at Hope Christian; at Trinity at Jubilee

Ang mangungunang dalawang koponan bawat grupo matapos ang single round elims ang aabante sa crossover quarterfinals.

 Ang apat na natitira  ang magtutuos sa semis para madetermina ang da­lawang koponan na mag­lalaban sa Finals.

ALLEN GUILAS

BERNARDINO TANDAYU

CHIANG KAI SHEK COLLEGE

CITY COLLEGE-ZAMBOANGA

DIVISION I

HOPE CHRISTIAN

ILOILO CENTRAL COMMERCIAL

NATIONAL U-B

SAN BENILDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with