Pacquiao ikapapanalo ang mas magandang kondisyon vs Bradley

Manny Pacquiao at Timothy Bradley. File photo

MANILA, Philippines – Sa nalalapit na muling bakbakan ni eight-division champion Manny Pacquiao at reigning WBO welterweight champion Timothy Bradley, naniniwala ang batikang trainer na si Freddie Roach na ang kondisyon ng bawat boksingero ang magiging pamantayan kung sino ang mananalo.

Dahil dito, sinabi ni Roach na lamang ang kanyang alagang si Pacquiao sa Abril 12 sagupaan.

“We can talk and [expletive], but at the end of the day it’s about who’s the best conditioned fighter the night of the fight,” banggit ni Roach sa ulat ni Chris Robinson ng hustleboss.com.

Kaugnay na balita: Pacquiao nangakong babawiin ang titulo kay Bradley

Hindi naman minamaliit ng six-time Boxing Writers Association of America Trainer of the Year awardee ang kakayanan ng Amerikanong boksingero.

“Bradley is a workhorse; I know he trains hard. But you know what? My guy works hard also,” dagdag ni Roach.

Naniniwala si Roach na mananaig si Pacquiao upang bawiin ang titulong inagaw ni Bradley dalawang taon na ang nakararaan.

Kaugnay na balita: Panganganak ni Jinkee, kasabay ng Pacquiao-Bradley 2?

 â€œWe’ll be in better shape than him and that’s why we’ll win the fight.”

Ayon sa mga ulat, makatatanggap ng $20 milyon si Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) sa kanilang laban ni Bradley (31-0-0, 12 KOs) na may siguradong $6 milyon.

Show comments