MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon sina PATAFA coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero na maipaÂliwanag ang sarili sa mga akusasyon galing kay PSC commissioner Jolly Gomez.
Matapos ang isang oras na pakikipagpulong kay PSC chairman Ricardo Garcia kahapon ay nagdeÂsisyon ang opisyal na gumawa ng isang komite na didinig sa reklamong ibiÂnato kina Sy at Hamero.
Tatlo hanggang limang katao ang uupo sa komite na didinig sa paliwanag nina Sy at Hamero na tinanggalan ng buwanang sahod na tig-P20,000.00 matapos akusahan ni Gomez na nagpabaya sa kanilang trabaho at nameke ng dokumento pabor sa kanilang mga aleta.
Ang mga ito ay itinanggi nina Sy at Hamero at sinabing may mga naninira lamang sa kanila at gusto silang alisin sa kanilang mga puwesto.
“PATAFA sec-gen Ben Silva Netto wrote me a letter seeking for a meeting not investigation. Inisa-isa namin ang sulat ni Comm Jolly at nagpaliwanag ang dalawang coaches. They agreed that I convene a committee hopefully within a week and a hearing on Monday for them to convince the committee sa explanations nila,†pahayag ni Garcia.
Nagpaliwanag sina Sy at Hamero pero nilinaw ni Garcia na hindi siya ang tamang tao na magdedesisÂyon hinggil dito dahil isa lang siyang opisyal ng PSC at mas makabubuti na isang komite na bubuuin ng mga indibidwal na makakaintindi sa akusasyon at sa kanilang ipaliliwanag ang hahawak ng imbestigasyon.
Idinagdag pa ni Garcia na hindi ito ang unang pagkakataon na nagtanggal ang PSC ng allowances o sahod ng isang coach pero ginawa niya ang desisyon na mag-imbestiga dahil nararamdaman nina Sy at Hamero na hindi sila naÂbigÂyan ng tamang hustisya ni Gomez.
“The committee can be made up of POC and PSC individuals or independent groups like coaches na makakaintindi ng presentasyon. Kailangan kasi dito detailed explanation in answering the allegations of Commissioner Jolly,†dagdag ni Garcia.
Ang komite ay maglalabas ng kanilang suhestiyon at ito ay ipapasa sa PSC board na siyang magdedesisyon kung tatanggapin o pananatilihin ang decision sa mga PATAFA coaches.