Azkals mapapalaban na sa Azerbaijan

MANILA, Philippines - Masiglang haharap ang Philippine Azkals sa kanilang friendly match laban sa world-rated na Azerbaijan matapos makakuha ng mga papuri sa kanilang nakaraang pagsagupa sa Malaysia.

Nagtapos ang laban ng Azkals at Malaysia sa isang scoreless standoff na nagtampok sa unang laro ni bagong coach Thomas Dooley.

Naging maganda rin ang ipinakita ni goalkeeper Patrick Deyto bukod pa kina first-time starters Ruben Doctora, Simone Rota at Martin Steuble.

“There are some excellent debut and there’s good initial understanding of new system,” wika ni captain Rob Gier.

Nakuha ni Dooley, isang two-time World Cupper na hinirang na bagong mentor ng Azkals noong nakaraang buwan, ang res­peto ng kanyang mga pla­yers mula sa kanyang coaching style.

“Just the respect he commands because of his experience as a player is huge for us. He’s given us a lot of confidence. We’re learning so much from him,” ani Jason de Jong.

Dumating ang Azkals sa Dubai kahapon at pina­nood ang kanilang friendly ng Malaysia bago sumabak sa team practice para sa kanilang laro ng Azerbaijan.

 

Show comments