Balikatan ang labanan nina Pacquiao at Bradley - Merchant
MANILA, Philippines - Kung sino kina Manny Pacquiao at Timothy Bradley ang magdidikta sa laban ang siyang papaboran na manalo sa rematch sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Ito ang basa ng batikang boxing writer na si Larry Merchant sa panayam ni Lem Satterfield ng Ringtv.com.
Tinuran niya na mas kumbinsido ang mga panalong naitala ni Bradley laban kina Ruslan Provodnikov at Juan Manuel Marquez kumpara sa panalo ni Pacquiao kay Brandon Rios.
Pero hindi puwedeng isantabi ang kakayahan ni Pacman na mailabas ang bangis na porma lalo pa’t mahalaga ang panalong makukuha sa laban para sa kanya.
“You can’t say enough about Manny and how he evolved as a boxer-puncher. In that fight against Rios, he fought just as a boxer. He’s not going to be able to beat Bradley just as a boxer. You can never dismiss a fighter of Manny’s proven qualities,†wika ni Merchant.
Nais ni Pacquiao na mabawi ang kontrobersyal na pagkatalo kay Bradley noong 2012 dahilan para mawala rin ang hawak na WBO welterweight title.
Nakikita rin ni Merchant na ibang Bradley ang makakasagupa ni Pacman at hindi malayong talunin uli ang Pambansang kamao ng walang talong WBO champion kung ang pormang kanyang inilabas nang tinalo si Marquez ang bibitbitin sa rematch.
“Against Bradley, he showed that he still was a hard guy to beat, and that he could still box against the best. If Bradley does that, then that’s going to put the burden on Manny, who is the older fighter,†dagdag ni Merchant.
Parehong nagsabi na sina Pacquiao at Bradley na maayos ang panimula ng kanilang ginagawang pagsasanay at kung magpapatuloy ito ay tiyak na magiging maalab at mapupuno ng aksyon ang kanilang ikalawang pagtutuos sa ring.
- Latest