MANILA, Philippines - Dapat sana ay lalabaÂnan ni WBA/IBO featherweight champion Simpiwe (V12) Vetyeka ang sinuman kina Akifumi Shimoda ng Japan, Nicholas Walters ng Jamaica at Chris John ng Indonesia, ngunit hindi ito naplantsa.
Sa halip ay itinapat ni Top Rank chairman Bob Arum para sa isang title deÂfense kay Vetyeka si Nonito (The FilÂipino Flash) Donaire sa Cotai Arena sa Venetian Resort Macau sa Mayo 31.
Pinag-isa ng 33-anyos na si Vetyeka ang IBO at WBA 126-pound titles matapos pabagsakin si John sa sixth round sa Perth noong Nobyembre.
Tinapos ni Vetyeka ang pangarap ni John na mapanÂtayan ang 49-0 record ni Rocky Marciano.
Iyon ang ika-19 title deÂfense ni John at naÂging kauna-unahan niyang talo.
Imbes na hingin ang rematch clause sa kanilang fight contract ay nagretiro si John bitbit ang 48-1-3 record.
Sa pagkawala ni John, haharapin sana ni Vetyeka si Walters na hawak ang WBA “regular†featherweight crown.
Ngunit inisip ni Arum na mas makakabuting huwag paglabanin sina Vetyeka at Walters kaya lumutang ang pangalan ni Shimoda.
Subalit natalo naman si Shimoda, ang dating WBA superbantamweight champion, kay Marvin Sonsona noong Sabado. Kaya nagdesisyon si Arum na ilaban si Vetyeka kay Donaire.
Tinanggap naman ng manager ni Vetyeka na si Andile Sidinile ang pagÂharap kay Donaire na nanalo ng mga world titles sa flyweight, bantamweight at superbantamweight.
Hinawakan ni Donaire ang interim WBA superflyweight championship ngunit hindi siya naitaas sa title status.
Sinabi ni Sidinile na biÂnaÂyaran lamang si Vetyeka ng $20,000 para labaÂnan si John at binanggit ang isang tax-free paycheck na $100,000 para sagupain si Donaire.